Paano maibalik ang apelyido sa pagkadalaga after divorce?


Jan. 29, 2018 (Mon), 6,990 views

Sa mga nakipag divorce sa kanilang partner na mga foreigner o nakipag-annul sa kanilang mga Pinoy partner, kung gusto ninyong maibalik ang inyong apelyido sa pagkadalaga, ito ang dapat ninyong gawin.

Kailangan na ayusin nyo ang lahat, step by step dahil need nyo ang mga documents na gagamitin para maayos din ang inyong ibang record here in Japan.

STEP 1
Kung kayo ay nakipag divorce sa inyong Japanese partner dito sa Japan, ayusin ang inyong RECOGNITION OF FOREIGN DIVORCE sa Pinas upang makakuha kayo ng mga documents na kailangan mula sa NSO/PSA or any regional court.

STEP 2
Kumuha ng copy ng PSA-issued Marriage Contract with Annotation to show annulment/divorce/court-ordered instruction. Kung wala pang pumapasok na documents na ito kahit na tapos na ang processing ng inyong RECOGNITION OF FOREIGN DIVORCE or ANNULMENT, kumuha kayo DFA-authenticated Certified True Copy of the Court Order dissolving the marriage, and DFA-authenticated Certificate of Finality from the court. Be careful sa pag-submit ng mga Original documents. As possible, a copy of it lang ang ipasa ninyo dahil kakailanganin nyo pa ang original document sa iba pang application.

STEP 3
Dala ang nakuhang mga documents from STEP 2, pumunta sa DFA or Philippine Embassy para mag-apply ng Passport Renewal. Ito ang unang document na dapat nyong baguhin, ang inyong NAME sa inyong PASSPORT dahil ito rin ang magiging batayan sa visa application at iba pang legal processing nyo here in Japan.

STEP 4
After na lumabas ang inyong bagong passport kung saan bago na rin ang NAME nito at naibalik na sa pagkadalaga ninyo, pumunta sa Japan Immigration para ipabago ang inyong RESIDENCE CARD (RC) at ng mabago ang NAME ninyo na nakasulat dito. Maaaring gawin nyo rin ito sa renewal na rin ng RC ninyo kung hindi kayo nagmamadali.

STEP 5
Dala ang bago ninyong RC na meron bagong name, pumunta sa city hall kung saan kayo nakatira dito sa Japan, at ipabago ninyo ang inyong RECORD na name sa inyong RESIDENCE CERTIFICATE (JUUMINHYO).

STEP 6
Kung gusto nyong ipabago ang inyong record na name sa banko, insurance company at iba pa, contact them. Magdala ng bagong RESIDENCE CERTIFICATE na nakasulat ang bago ninyong name.

Ang mga steps na nabanggit ang dapat ninyong gawin ayon sa pagkaka sunod-sunod upang makasigurado kayong maayos ang lahat ng inyong record here in Japan at maging sa Pinas.

BACK TO CATEGORY INFO LIST