Dalawang Chinese na babae, huli sa sexual massage service


Jan. 23, 2018 (Tue), 3,007 views

Tokyo Katsushika-Ku. Hinuli ng mga pulis ang dalawang Chinese na babae, age 30 and 39 years old sa charge na illegal na pag-operate ng isang massage parlor na meron halong sexual service.

Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang dalawang ito ay nag-open ng isang private massage room sa isang UR Chintai Mansion sa lugar na nabanggit at dito nila dinadala ang kanilang mga customer na nakuha sa internet. Nagsimula silang mag operate noong September 2017 at kumita ng mahigit 20 lapad sa isang buwan.

Hindi naman inaamin ng dalawa ang charge laban sa kanila.

BACK TO CATEGORY INFO LIST