Camera na nilagay ng teacher, nakita ng student during general cleaning


Dec. 29, 2017 (Fri), 2,627 views

Hokkaido Chitose City. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang isang lalaking teacher, age 41 years old sa charge na paglalagay ng video camera upang makakuha ng malaswang video sa loob ng changing room ng mga babae.

Ang teacher ay nilagyan ng digital camera ang loob ng changing room ng mga babaeng student sa loob ng taikukan noong December 28 ganap ng 9AM. Nakita ang camera ng mga student ng sila ay magsagawa ng general cleaning ayon sa news.

Inaamin naman ng lalaki ang charge laban sa kanya at ayon dito, gusto nyang kunan ng video ang mga ito dahil nag-eenjoy sya kung sino ang makukunan nya ayon sa news din.

BACK TO CATEGORY INFO LIST