Japanese Spouse Visa Extension Application Requirements
Jun. 21, 2017 (Wed), 3,343 views
To apply for the extension of your JSV, you need to complete first all necessary documents bago nyo papuntahin ang inyong Japanese partner, proxy or kayo mismo sa Immigration Office. Make sure na complete lahat upang hindi masayang inyong oras sa pagpila.
Ang processing period ng JSV extension ay umaabot ng 2 weeks to 1 month lamang ayon sa Immigration website. Kung ang application ninyo ay naaprobahan, kailangan ninyong magbayad ng 4,000 YEN bilang charge dito. Kung naaprobahan ang inyong application, papadalhan kayo ng notice or HAGAKI ng Immigration Office na sya ninyong dadalhin upang ma-pickup ninyo ang inyong extended visa. Below ay ang mga kailangang documents ninyo sa pag-apply ng JSV extension.
(1) APPLICATION FORUM, 1 COPY
Pwede ninyong makuha ang document na ito sa Immigration Office or you can download it beforehand para inyong masulatan agad bago pumunta ng Immigration Office. CLICK HERE TO DOWNLOAD
(2) APPLICATION PICTURE, 1 PIECE
Ang picture size ay 4CM (VERTICAL) x 3CM (HORIZONTAL) na ididikit mismo sa application form. Lagyan ng name sa likod bago ninyo ito idikit. Dapat latest (Within 3 MONTHS) ang picture, colored , walang sombrero na suot at walang anomang background.
(3) KOSEKI-TOHON (FAMILY REGISTER), 1 COPY
Family Register ng inyong Japanese partner. Kailangang nakasulat na dito ang facts and info ng kasal ninyo. Dapat na latest ang document at na-issue within 3 MONTHS.
(4) JUUMINZEI (RESIDENCE TAX CERTIFICATE), 1 COPY & NOUZEI SYOUMEISYO (INCOME TAX CERTIFICATE), 1 COPY
Ang document na ito ay makukuha sa city hall kung saan nakatira at register ang inyong Japanese partner. Dito makikita ang financial stability ng inyong partner. Ang dapat kunin na document ay ang previous year record. Kung walang ma-provide na document ang inyong partner, mag-inquire sa Immigration for other supporting or replacement document.
(5) MIMOTO HOSYOUSYO (GUARANTEE LETTER), 1 COPY
Ang tatayong guarantor ninyo dito sa Japan ay ang inyong Japanese partner mismo. So need nyang ipasa din ang document na ito.
(6) JUUMINHYOU (RESIDENCE CERTIFICATE), 1 COPY
Ang Residence Certificate ng inyong Japanese partner ay makukuha sa city hall kung saan sya naka-register. Kinakailangang nakasulat dito ang lahat ng member ng family na kasama nyang naninirahan sa bahay.
(7) PASSPORT
Kailangan nyo lamang na ipakita ang inyong passport na valid pa.
(8) RESIDENCE CARD
Kailangan nyo lang ding ipakita ang inyong Residence Card
(9) OTHERS
Seal or hanko ng inyong guarantor na Japanese partner
IMPORTANT REMINDERS:
(1) Basically, ang mga documents na manggagaling sa Pinas ay meron dapat translation version kung kayat ipa-translate nyo na agad.
(2) Ang mga documents na ipapasa ay dapat bago lahat and within 3 MONTHS ang pagka-issue nito sa inyo.
(3) Ang mga documents na ipapasa ay hindi na ibabalik ng Immigration. Kung need ninyo ang original document na ipapasa ninyo, sabihin nyo agad sa immigration personnel at the time na ito ay ipapasa ninyo.
(4) Ang application processing ay natatagalan sometimes kung kayat mag-apply na agad kayo kapag mga 3 MONTHS na lang ang natitira sa visa ninyo.
NEEDED DOCUMENTS FOR JSV EXTENSION APPLICATION (JAPANESE LANGUAGE)