Nangyakap at nanghipo ng babae sa kalsada, huli ng mga pulis
Sep. 27, 2017 (Wed), 1,841 views
Tokyo Minato-Ku. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang isang lalaki, age 33 years old, walang work sa molestation charge matapos nitong yakapin at hipuan sa breast ang isang babae na papauwi.
Nangyari ang incident na ito noong August 25 ganap ng 5AM. Ang lalaki ay lumapit mula sa likuran sa isang babae na papauwi sa bahay nya at bigla nya itong niyakap at hinipuan sa kanyang breast. Nagkaroon ng light injury ang babae ng sya ay matumba matapos nyang manlaban.
Na-trace ng mga pulis ang lalaki gamit ang mga CCTV footage. Inaamin naman ng lalaki ang panghahahawak nya sa breast ng babae subalit deny sya na hindi daw nya pinisil o nilamas ito.