Ano ang gagawin para hindi ma-divorce ng di nyo alam?
Jun. 21, 2017 (Wed), 9,881 views
Recently, maraming mga cases ang nangyayari kung saan, hindi alam ng asawa na sila pala ay divorce na. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga foreigner na hindi kasama ang kanilang asawang Japanese dito sa Japan. Meron ding cases na nag-vacation lang at natagalang bumalik. Then pagdating here in Japan muli ay divorce na pala sya.
Ang ganitong kaso ay madaling gawin ng mga Japanese dahil madali lang ipasa ang divorce application sa city hall kahit na wala ang kanilang partner. As long na malagyan lang nila ng signature ang part ng kanilang asawa, at ipasa nila ito sa city hall, malaki ang possibility na ito ay maaprogbahan na.
Para hindi kayo maging biktima ng ganitong gawain ng iilang Japanese, kailangang maging aware kayo kung ano ang magiging pang-kontra nyo sakaling mawala kayo ng pansamantala sa Japan at ang inyong partner ay nag-nanais na makipag hiwalay na sa inyo.
Upang hindi kayo ma-divorce ng inyong asawa na hindi ninyo nalalaman, kailangang mag-submit kayo ng 離婚届不受理申出 (RIKON TODOKE FUJUURI MOUSHIDE) or Divorce Application Non-Acceptance Application in English. Once na ma-accept ito ng city hall, hindi nila tatanggapin ang anomang ipasang Divorce Application ng inyong asawa ng hindi ninyo nalalaman. Basahin ang ilang information tungkol dito sa baba para sa iba pang detalye.
SINO ANG PWEDENG MAGPASA?
Ang document na ito ay pwedeng ipasa ng mag-isa lamang at hindi na need pa na kasama ang asawa.
SAAN IPAPASA?
Ito ay maaaring ninyong ipasa or apply sa city hall kung saan kayo nakatira.
ANO ANG KAILANGANG DOCUMENTS?
Ang kailangan lamang ay application form, hanko (seal), at identification card like Residence Card.
MAGKANO ANG BAYAD?
Ito ay free of charge. Wala kayong dapat na bayaran sa pag-submit nito.
HANGGANG KELAN ITO VALID?
Dati ang validity nito ay 6 MONTHS lamang. Subalit starting, MAY 1, 2008, ang validity nito ay nawala. Kaya as long na hindi nyo ito pinapa-alis, magiging valid ito at hindi pwedeng tanggalin ng sinoman. Kung nais ninyong alisin na ito, pumunta lamang ulit sa city hall para ipatanggal na ang validity nito.