What visa you can apply after divorce to Japanese partner?


Aug. 23, 2017 (Wed), 13,298 views

Once na kayo ay nakipag-divorce sa inyong Japanese partner (husband or wife), the biggest problem that you will have is your visa para makapag-stay here in Japan. Since divorce na kayo, ang JSV ninyo ay hindi na pwede at need nyong kumuha ng panibagong visa base sa magiging main purpose or activity nyo here in Japan.

Meron mga possible ways kung paano kayo makakuha ng panibago nyong visa para makapag-stay pa rin here in Japan at manirahan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Residence Visa Application (With Japanese Child)
This is only possible kung kayo ay meron anak sa hiniwalayan ninyong Japanese partner ninyo at nasa inyo ang custody ng bata. Meaning kasama ninyo itong mamumuhay dito sa Japan. You can apply for TEIJUUSYA VISA in immigration. Just go there and consult them para sa mga need na documents.


2. Marrying another Japanese partner or other person with visa in Japan
If you find another partner and they are willing na pakasalan kayo, then maaaring makapag-apply kayo again ng JSV or Dependent Visa ng isang Permanent Visa holder


3. Applying for TEIJUUSYA (With No Japanese Child)
This process is mostly possible only kung matagal na kayong naninirahan here in Japan. Kung makikita ng Immigration office na ang foundation ng inyong pamumuhay ay nasa Japan na, meron magandang record, with work, paying taxes and social insurances, then there is a possibility na makapag-apply kayo ng TEIJUUSYA kahit na wala kayong anak sa Japanese na hiniwalayan ninyo.


Kung sa naibigay na ways sa taas ay hindi ninyo nagawa hanggang sa valid pa ang visa ninyo, need nyo na pong umuwi or mag-exit ng Japan or otherwise, magiging overstayer po kayo dito sa Japan. Kung medyo mabusisi ang inyong case sa pag-apply ng visa muli, it is recommended na kumuha kayong Immigration Lawyer upang matulungan kayo sa pag-apply ng visa.

BACK TO CATEGORY INFO LIST