Ilang month or years ang binibigay ng immigration sa JSV?


Jun. 19, 2017 (Mon), 1,424 views

Kung ilang buwan o taon ang ibibigay na length of period of stay sa isang JSV applicant ay hindi pare-pareho. Ito ay depende sa bawat case ng isang applicant at pati na rin sa kanilang Japanese partner na tumatayong guarantor nila.

Sa ngayon merong pinagpipilian ang immigration kung gaano katagal ang ibibigay na period of stay sa mga JSV applicant. Ito ay maaaring 5 years, 3 years, 1 year or 6 months. Sa ngayon 5 YEARS ang pinakamatagal pero mostly ay hindi nila ito binibigay agad sa mga first JSV applicant. Binibigay nila ito sa mga nakapag-stay na ng Japan ng more than 3 years.

Kung ang inyong pagsasama ng inyong Japanese partner ay kaduda-duda or meron previous bad record ang isang applicant, maaaring bigyan lang kayo ng 6 months or probably mga 3 months lamang.

BACK TO CATEGORY INFO LIST