Japanese Spouse Visa COE Application Requirements


Jun. 20, 2017 (Tue), 1,804 views

To apply for COE, you need to complete first all necessary documents bago nyo papuntahin ang inyong Japanese partner or proxy na syang mag-aapply ng COE sa Immigration Office. Make sure na complete lahat upang hindi masayang inyong oras sa pagpila.

Ang mga kailangang documents sa COE application para sa inyong Japanese Spouse Visa ay ang mga sumusunod. You can also click the link at the bottom of this information para sa Japanese version information. Ipabasa ninyo sa inyong Japanese partner upang maging guide din nya.

(1) COE APPLICATION FORM, 1 COPY
Pwede ninyong makuha ang document na ito sa Immigration Office or you can download it beforehand para inyong masulatan agad bago pumunta ng Immigration Office.

(2) APPLICATION PICTURE, 1 PIECE
Ang picture size ay 4CM (VERTICAL) x 3CM (HORIZONTAL) na ididikit mismo sa COE application form. Lagyan ng name sa likod bago ninyo ito idikit. Dapat latest (Within 3 MONTHS) ang picture, colored , walang sombrero na suot at walang anomang background.

(3) KOSEKI-TOHON (FAMILY REGISTER), 1 COPY
Family Register ng inyong Japanese partner. Kailangang nakasulat na dito ang facts and info ng kasal ninyo. Kung hindi pa nakasulat, need ninyong mag-submit ng KON-IN TODOKE JUURI SYOUMEISYO(Acceptance Certificate of Marriage Application). Dapat na latest ang document at na-issue within 3 MONTHS.

(4) KEKKON SYOUMEISYO (MARRIAGE CERTIFICATE),1 COPY
Marriage Certificate na nagpapatunay na kayo ay kasal na at dapat na ito ay kunin sa NSO/PSA sa Pinas. Need din ng translation version ng document na ito.

(5) JUUMINZEI (RESIDENCE TAX CERTIFICATE), 1 COPY & NOUZEI SYOUMEISYO (INCOME TAX CERTIFICATE), 1 COPY
Ang document na ito ay makukuha sa city hall kung saan nakatira at register ang inyong Japanese partner. Dito makikita ang financial stability ng inyong partner. Ang dapat kunin na document ay ang previous year record. Kung walang ma-provide na document ang inyong partner, mag-inquire sa Immigration for other supporting or replacement document.

(6) MIMOTO HOSYOUSYO (GUARANTEE LETTER), 1 COPY
Ang tatayong guarantor ninyo sa pagpasok nyo dito sa Japan ay ang inyong Japanese partner mismo. So need nyang ipasa din ang document na ito.

(7) JUUMINHYOU (RESIDENCE CERTIFICATE), 1 COPY
Ang Residence Certificate ng inyong Japanese partner ay makukuha sa city hall kung saan sya naka-register. Kinakailangang nakasulat dito ang lahat ng member ng family na kasama nyang naninirahan sa bahay.

(8) SHITSUMONSYO (QUESTIONNAIRE), 1 COPY
Document nagpapatunay ng inyong pagsasama bilang mag-asawa. Need na ito ay submit din sa Immigration.

(9) SNAP PICTURE, 2 TO 3 PIECES
Mga picture ninyong mag-asawa kung saan magkasama kayo. Picture of wedding ceremony ay mas-makakabuting ipasa dito.

(10) 392 YEN STAMP & ENVELOP
Magpasa ng isang envelop na ito na meron ng return stamp. Isulat din ang inyong address at pangalan kung saan ipapadla ng immigration ang result ng inyong COE Application.

(11) OTHERS
Maaring hingin ng immigration ang hanko (seal) bilang pang-sign ng Japanese sa mga documents. Kinakailangan din ang ilang identification card ng taong magsa-submit ng inyong application sa Immigration Office.



IMPORTANT REMINDERS:
(1) Basically, ang mga documents na manggagaling sa Pinas ay meron dapat translation version kung kayat ipa-translate nyo na agad.

(2) Ang mga documents na ipapasa ay dapat bago lahat and within 3 MONTHS ang pagka-issue nito sa inyo.

(3) Ang mga documents na ipapasa ay hindi na ibabalik ng Immigration. Kung need ninyo ang original document na ipapasa ninyo, sabihin nyo agad sa immigration personnel at the time na ito ay ipapasa ninyo.


NEEDED DOCUMENTS FOR COE APPLICATION (JAPANESE LANGUAGE)

BACK TO CATEGORY INFO LIST