Ano ang mga requirements sa pagpasa ng Divorce Application?
Jun. 21, 2017 (Wed), 2,627 views
Kung kayo ay nagkasundo ng inyong Japanese partner na maging KYOUGI RIKON (DIVORCE MUTUAL CONSENT) na lamang ang inyong paghihiwalay, madali lamang ang magiging processing nito. You will only submit the needed Divorce Application Form sa city hall kung saan kayo nakatira.
Sa pag-submit ng inyong divorce sa city hall, meron din kayong mga needed na ihahandang documents sa side ninyo at ito ay ang mga sumusunod.
(1) RIKON TODOKE (DIVORCE APPLICATION)
Makukuha nyo ito sa city hall kung saan kayo nakatira. Since maraming dapat na sulatan dito, kumuha kayo agad ng application form at saka ninyo sulatan sa inyong bahay. Make sure na nasulatan na ito bago kayo pumunta ng city hall para submit na lamang.
(2) INKAN/HANKO (SEAL)
Ito ang gagamitin ninyo na signature sa document or application form. Kung wala kayo nito, maaaring signature na lamang ninyo katulad ng passport ninyo.
(3) PERSONAL IDENTIFICATION
Sa pag-submit ninyo, kukunin nila ang ilang personal identification ninyo katulad ng Drivers License, Residence Card or Passport. Make sure that you have it sa pagpunta ninyo sa city hall.