Isang grupo ng lalaki, huli sa chikan sa loob ng train
Nov. 27, 2017 (Mon), 1,481 views
Ayon sa news na ito, nahuli ng mga pulis ang isang group ng mga lalaki na nanghihipo sa loob ng train kung saan pinapaligiran nila ang isang babae na kanilang mabibiktima upang hindi makita ng ibang pasahero.
Ang apat na kalalakihang nahuli ay syang primary suspect sa isang incident ng chikan na nangyari noong July sa loob ng Saikyo Line na tumatakbo along Ikebukuro at Itabashi station. Ang babaeng biktima, isang company employee na nasa twenties na nakasakay sa unahan ng train ay kanilang pinaligiran at pinaghihipuan.
Nakita ang kanilang ginagawa sa bintana ng train ng isang arubaitong lalaki na nag-aasist sa mga pasahero sa Itabashi stationa at dito sila nabisto. Ang apat ay nagkakilala lamang sa internet at kanilang pinag-planohan ang kanilang ginawa.
Inaamin naman ng tatlong lalaki ang charge laban sa kanila at ang isa namang lalaki ay deny pa rin. Ayon sa mga pulis, maaaring naging common practice na ng apat na ito ang kanilang ginagawa kung kayat sinisiyasat pa nila ang ibang case na maaaring sila rin ang meron kagagawan.