Japanese partner, huli sa pagtanggap ng 50 lapad sa imitation marriage


Oct. 31, 2017 (Tue), 1,609 views

Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang isang Japanese, age 50 years old, na syang partner sa imitation marriage ng isang Chinese dahil sa pagtanggap ng kabayaran nito na 50 lapad.

Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang lalaking ito ay tinanggap ang kabayarang ito kapalit ng pagpapa register ng kanyang partner na Chinese bilang asawa nya upang makakuha ng Japanese Spouse Visa.

Hinuli rin ng mga pulis ang Chinese na babae na partner nito at dalawa pang Chinese na syang witness sa pagpirma sa Kekkon Todoke kahit na alam nilang fake ang marriage nila.

BACK TO CATEGORY INFO LIST