Lalaki huli sa pagkuha ng video sa loob ng clinic
Oct. 20, 2017 (Fri), 1,454 views
Tokyo Setagaya-Ku. Ayon sa news na ito from Yomiuri, isang Japanese na lalaki, age 41 years old ang hinuli ng mga pulis matapos na kunan ng malaswang video ang kanyang mga pasyenteng babae sa loob ng isang osteopathic clinic.
Lumabas sa investigation na ang lalaki ay kinunan ng video ang kanyang pasyente noong September 17 ganap ng 11AM gamit ang isang mini video camera na kanyang ikinabit sa aircon sa dressing room ng clinic. Nakunan nya ng video ang mga babaeng nagpapalit ng damit.
Meron pang ibang video na nakita sa kanya kung saan nakunan din nya ang mga babae sa loob ng toilet. Inaamin naman ng lalaki ang charge laban sa kanya.