Ano ang mga merit ng isang Japanese Spouse Visa holder?
Jun. 19, 2017 (Mon), 2,730 views
Isa sa malaking dahilan kung bakit marami ang gustong makapag-pakasal sa isang Japanese ay upang makakuha ng JSV. Kahit na alam nilang imitation pa ito, marami ang pumapasok sa ganitong situation para lamang makakuha ng JSV dahil sa advantage at merit nito na wala sa ibang type ng visa.
Ang unang merit na meron sa JSV ay wala itong limitation pagdating sa work. So para sa mga foreigner na ang main purpose talaga ay makapag-trabaho at kumita ng pera sa Japan, ito ang pinakamabilis at madaling paraan para makapag-work ng legal. Di na kailangan pa ang anomang permit or license na kailangan ninyong apply muna upang legal na makapag-trabaho o anomang activity na gusto ninyong gawin sa Japan. Kung nais ninyong lumipat ng work, free ninyong magagawa na hindi na kailangan pa ang anomang processing pagdating sa visa.
Ang second merit na nakikita sa JSV ay ang kadalian nilang makapag-apply at makakuha ng Permanent Visa to stay here in Japan. Pwede na kayong makapag-apply ng Permanent Visa kung kayo ay nakapag-stay na here in Japan ng more than 3 years unlike sa ilang type ng visa na dapat makapag stay here ng more than 10 years.