Saan makakakuha ng Marriage Application Form to submit in City Hall?
Jun. 23, 2017 (Fri), 1,632 views
Ang Marriage Application format ay iisa lamang ang ginagamit dito sa Japan, so kahit saan kayo kumuhang local municipality at ito ay submit ninyo sa inyong lugar ay possible at walang magiging problem. Need nyo lang pumunta sa city hall kung saan kayo nakatira and ask there for the application na kailangan ninyo.
Since hihingi lang kayo ng form, wala nang need na ano pang document na dapat ninyong ipakita or ipasa. Meron ding mga sample ang mga city hall kung paano ito sulatan, so hingi na rin kayo at the same time. Better to make it 2 copies para meron kayong reserve just in case na magkamali kayo ng sulat.
Kung tinatamad kayo pumunta sa city hall at meron kayong internet connection sa bahay at meron kayong printer, you can download it po. Just search it and dowload it, then print.