Saan pwedeng mag-apply ng Japanese Spouse Visa?
Jun. 19, 2017 (Mon), 1,478 views
Depende sa present location ng isang applicant, meron dalawang lugar kung saan kayo pwedeng mag-apply ng JSV. Ito ay kung nasa Pinas pa ang applicant na kinasal sa isang Japanese at first time nyang pupunta ng Japan, or nasa Japan na ang applicant at sya ay kinasal sa isang Japanese.
Kung ang applicant ay ikinasal sa Pinas at first time na pupunta ng Japan, sa Japanese Embassy sa Pinas kayo pwedeng mag-apply ng JSV at kayo ay dadaan sa mga accredited agency. Sa mga agency lamang na ito kayo dapat mag-submit ng application at wala ng iba pa. Kung kayo ay mag-apply ng JSV, make sure na meron na kayong hawak na COE (Certificate of Eligibility) upang mabilis ang inyong application.
Kung kayo naman ay nasa Japan na at kayo ay kinasal sa isang Japanese at nais ninyong palitan ng JSV ang hawak ninyong present visa, maaari kayong mag-apply nito sa pinakamalapit na branch ng Immigration Office sa lugar ninyo kung saan kayo nakatira dito sa Japan. Pumunta lamang kayo sa office nila na dala ang mga kinakailangang documents upang makapag-apply kayo.