Ano ang age limit na pwedeng mag-work sa mga Omise?


Aug. 30, 2017 (Wed), 2,022 views

Maybe nakarinig na kayo ng mga cases kung saan dinadaya ang age ng isang babae para makapag-apply bilang isang entertainer at makapasok dito sa Japan. Kadalasan ay ang mga broker pa or promoter pa ang nag-uutos na gawin ito lalo na kung alam nilang magiging hit ang isang babae sa pagpunta at pag-work nya sa omise dito sa Japan.

Ayon sa 風営法 (FUUEIHOU) or Japan Law Regulating Adult Entertainment Businesses, nakatakda sa batas kung ano ang age limit ng isang tao na pwedeng mag-work sa mga omise or kyabakura. At ito ay kinakailangang 18 YEARS OLD ABOVE. Ginawa nila ang limit na ito upang maprotektahan ang isang tao at ayon din sa regulation ng Japan Child Welfare Law.

Ang law na ito ay dapat sundin ng mga may-ari ng mga omise or kyabakura kung sila ay tatanggap ng worker at dapat nilang siyasatin ang tunay na age ng isang applicant. Meron nakapataw na mabigat na punishment sa owner ng isang omise at pati na rin sa nagtrabahong tao sa omise sa hindi pagsunod sa law na ito.

BACK TO CATEGORY INFO LIST