Ano ang mga dapat ihanda sa pagpasa ng Divorce Application?
Jun. 21, 2017 (Wed), 2,233 views
Kung buo na ang inyong decision na makipag-hiwalay sa inyong Japanese partner by mutual agreement, at ganun din sya sa inyo, meron mga bagay na dapat ninyong alalahanin at ihanda bago ninyo ipasa ang Divorce Application sa city hall kung saan kayo nakatira dito sa Japan.
Ang mga kinakailangang ninyong paghandaan at alalahanin sa pagpasa ng inyong divorce application ay ang mga sumusunod. Kinakilangan nyo itong mapagpasyahan upang maging madali sa inyo ang pagpasa ng divorce application.
(1) SIGNING THE DIVORCE APPLICATION
Ang pag-sign ng divorce application ay dapat ninyong gawin personally at hindi ibang tao. Tandaan na ang pag-peke ng signature na ito ay against the law at meron kaukulang parusa dito. Make sure na ang sign ng inyong Japanese partner ay nagawa nya personally upang walang maging habol later on.
(2) SURNAME OR FAMILY REGISTER AFTER DIVORCE
After ng divorce ninyo, ano ang magiging Family Register ninyo kung kayo ay Japanese. Dapat ninyo itong pag-isipan. Kung kayo naman ay isang foreigner, ano ang magiging apelyido nyo later. Ibabalik nyo ba ito sa pagkadalaga or mananatili nyo bang gagamitin ang surname ng inyong asawa.
(3) WITNESSES OF YOUR DIVORCE
Para tanggapin ng city hall ang inyong divorce application na ipapasa, kinakailangan ang dalawang witness na parehong hindi na minor age. Pwedeng ang witness ninyo ay ang inyong magulang, kapatid, kaibigan o kakilala sa trabaho. Kailangang meron kayong makitang tatayong witness at kailangang isulat nila ang kanilang name, address, birthdate at ang kanilang signature.
(3) WHERE TO SUBMIT THE DIVORCE APPLICATION
Basically, ang divorce application ay dapat ninyong ipasa sa lugar kung saan kayo nakatira. Subalit pwede nyo rin ipasa ito sa ibang lugar, kaya lang meron pa kayong ibang additional documents na dapat ipasa kaya magiging matrabaho pa ito sa inyo.