Stalker, pinasok ang bahay ng babae at minolestya nya


Sep. 27, 2017 (Wed), 1,450 views

Tokyo Adachi-Ku. Ayon sa news na ito, isang lalaki, age 39 years old ang hinuli ng mga pulis matapos na pasukin nito ang bahay ng isang babaeng kanyang natitipuhan at kanya itong minolestya.

Nangyari ang incident na ito noong August 14. Pinasok ng lalaki ang apartment ng babaeng kanyang biktima sa lugar na nabanggit at sinabihan nyang "maganda ang pangangatawan mo" at saka nya ito pinaghahawakan sa private parts ng babae. Inaamin naman ng lalaki ang charge laban sa kanya ayon sa news.

BACK TO CATEGORY INFO LIST