Lalaki, huli sa pagnakaw ng panty ng kanyang workmate


Oct. 31, 2017 (Tue), 1,840 views

Tokyo Sumida-Ku. Ayon sa news na ito, isang lalaki, age 33 years old, na nagtatrabaho sa isang restaurant ang hinuli ng mga pulis sa charge na pagpasok sa isang private property at pagnakaw ng mga underwear.

Ang lalaking ito ay pinasok ang mansion ng babae na kasama nya sa work, age 27 years old at ninakaw ang isang panty nito noong nakaraang September 2017. Ninakaw nito ang susi sa loob ng bag ng babae upang makapasok sya sa loob ng bahay.

Dahil sa CCTV footage na nakita, nahuli ang lalaki na umaamin naman sa charge laban sa kanya. Nakuha rin sa loob ng bahay nito ng mga pulis ang more than 30 panties na kanyang na-collect. Ayon sa lalaki, gusto nyang makakuha ng underwear ng babaeng kasama nya sa work kung kayat nagawa nyang pumasok dito ayon sa news.

BACK TO CATEGORY INFO LIST