Paano makakapag-trabaho sa isang omise?
Sep. 26, 2017 (Tue), 2,155 views
Kung nais nyong mag-trabaho sa isang omise, ang pinaka-madaling paraan ay pumunta sa mga kabubukas pa lamang na mga omise at magpa-interview. Then makalipas ang ilang araw, tatawagan ka nila or they will send you an email tungkol sa result nito.
Kung kayo ay hindi marunong mag Japanese at nahihiyang pumasok sa mga omise ng mag-isa for interview, ang pinaka-mainam ay makipag kilala sa mga kababayan natin at magtanong kung saan meron mga bagong opening na omise at magpa-interview.
Ang unang work mo sa omise pag first day ay mostly help ang gagawin mo. Pero depende din ito sa mga omise at sa napagkasunduan ninyo. Kung first time ka pa lamang, wala kang gagawin kundi ang mag-assist sa mga babae na meron customer. Then as days go by, maaaring meron kang makilala at magustuhan ka nila at maaaring ikaw na ang kanilng request. This is the most common pattern na nangyayari hanggang sa makakuha ka ng sarili mong customer.
Ang contents ng trabaho sa mga omise ay mostly tinuturo rin bago pa man magbukas ang mga omise o pagkatapos ng work mismo. Mostly ang mga ito ay tinuturo ng tenchou or mama ng omise, then pati na rin ng mga veteran na babae sa omise hanggang sa makabisado mo ito.
Lalong lalo na ang paglalagay ng alak sa baso at pagpunas ng tubig na tumutulo dito ay pinaka-basic na work na dapat ma-master ng isang babae na nagtatrabaho sa omise. Then ang pakikisama sa mga customer ang pinaka-important upang mapatagal nyo silang mapanatili sa omise dahil dito nakasalalay ang benta.