Isang lalaki, nangyakap bigla ng babae sa kalsada
Nov. 15, 2017 (Wed), 1,405 views
Tokyo Choufu City. Isang lalaki, age 20 years old, college student na anak ng isang politician ang hinuli ng mga pulis sa molestation charge laban sa isang babae na isang employee.
Nangyari ang incident last month sa isang kalsada sa lugar na nabanggit. Ang lalaki ay biglang niyakap mula sa likuran ang isang babae na nasa twenties pa lamang na hindi nya kilala at ipinasok nya ang kanyang kamay sa loob ng skirt ng babae.
Inaamin naman ng lalaki ang charge laban sa kanya at ayon dito, nagawa nya ito dahil sa stress nya. Ayon sa mga pulis, this year meron ng ilang incident ang nairi-report sa kanila na katulad nito at sinisiyasat nila now kung ito ay kagagawan nya lahat.