Step by step procedure sa pag-apply ng Talent Visa
Aug. 28, 2017 (Mon), 2,317 views
Ang entertainer or talent visa ay isang type din ng WORKING VISA. So para makakuha kayo nito, maraming mga processing din ang ginagawa. Dahil dito, nagiging maingat ang ilang promoter upang maiwasan ang problema lalo na kapag nag-runaway ang isang applicant.
Ang kadalasang ginagawang procedure sa pag-apply ng talent visa ay ang mga sumusunod.
STEP 1: Creating schedule sa pagpunta ng Japan
Ang mga promoter kadalasan ay gumagawa muna ng schedule kung kelan at ilan katao ang kanilang kukunin at papupuntahin ng Japan upang maging madali ang pag process ng visa. Kasama na dito ang schedule ng mga show na gagawin kung saan at kelan.
STEP 2: Applying for COE (Certificate Of Eligibility)
Once na meron na silang natanggap na mga applicant, they will apply for COE ng isang entertainer na papupuntahin nila dito sa Japan para makapag-apply ng VISA. Ang applcation ng COE ay ginagawa sa Japan Immigration mismo.
STEP 3: Sending the COE to the applicant
Kung naaprobahan ng Japan Immigration Office ang COE application ng isang applicant, ipapadala nila ito sa bansa mismo ng applicant or probably, sa inyong promoter mismo na syang humahawak sa inyo dahil sila na rin ang mag-apply ng visa ninyo.
STEP 4: Talent Visa Application
Kung successfully na kayong nakakuha ng COE at nasa inyo na ito o nasa promoter na ninyo, they will apply for your TALENT VISA sa Japanese Embassy office sa Pinas mismo. Ito na ang pinaka-final. Once na maaprobahan ang inyong visa, then you can go here in Japan to start working as an entertainer. Sa pag-apply ng visa ninyo, it will be a big help kapag meron kayong COE na hawak pero di ito nangangahulugan na mabibigyan na kayo ng TALENT VISA 100% sure dahil nasa Japanese Embassy pa rin ang final decision.
Ang steps sa taas na nabanggit ay isang summary lamang kung ano ang ginagawa mainly ng mga promoter sa pagkuha ng TALENT VISA bilang inyong reference.