Salary bases na pwedeng sundin when you work in omise


Sep. 07, 2017 (Thu), 1,459 views

Kung nagta-trabaho kayo sa isang company and you are a regular employee, mostly ang magiging salary bases ninyo ay monthly at dito nyo matatanggap ang sweldo ninyo mula sa company. Pero sa mga omise naman hindi kadalasan ito nasusunod dahil depende na rin sa usapan ng owner ng omise at ng mga workers nila.

Sa omise, pwedeng makipag negotiate kayo kung kelan nyo gustong matanggap ang inyong sweldo. Pwedeng arawan, weekly, every tenth day, half a month, monthly bases or sa anomang araw na gustuhin ninyo. So, try na makipag negotiate din. Kaya lang, meron mga omise operators na pinagsasabay-sabay ang sweldo ng lahat ng staff at babae para isang processing lamang at hindi magiging matrabaho para sa kanila.

Kung kinakailangan nyo ang pera agad, better na makiusap kayo na arawan ang pagtanggap nyo ng salary. Kung gusto nyo naman na isahan nyo lang syang matatanggap, better na monthly na lamang para biglang pasok naman ang pera sa inyo. Meron mga advantage and dis-advantage ito kaya better na pag-isipan ninyo kung kelan nyo gustong tanggapin ang inyong salary.

BACK TO CATEGORY INFO LIST