Hanggang anong oras ang business operation ng Omise?


Aug. 30, 2017 (Wed), 1,417 views

Sa ngayon normal na kahit sino sa atin ang mag-trabaho from 9 to 5 or 6PM at ito ang nagiging business operation hour ng isang company kung kayo ay nagta-trabaho. Sa city hall at banko, meron din silang sinusunod na business operation hour.

Pagdating naman sa mga omise, usually meron din itong business hour operation na nakatakda sa Japan Law Regulating Adult Entertainment Businesses at nakasaad dito na ang mga omise ay pwedeng mag-operate lang until 12 or 1AM. Subalit ang rules na ito ay hindi kadalasang nasusunod dahil na rin sa paiba-ibang situation sa loob ng omise at mga customer nito.

Since ang omise or kyabakura ay isang service business, hindi nila pwedeng basta pauuwiin ang kanilang customer pag dumating na ang oras na nakatakda sa batas upang isara nila ang kanilang omise. So kadalasan ay hindi sila nagsasara until na makauwi o makaalis na ang customer. This is allowable sa batas. So kadalasan ang ginagawa na lamang ng mga omise ay pinapatay nila ang kanilang ilaw or kanban kahit na meron pa silang customer sa loob.

Kadalasan nilang ginagawa ito lalo na kapag nagkakaroon ng higpitan or monitoring na ginagawa ang mga pulis sa mga omise owners and operators. So tandaan nyo lamang na meron nakatakdang batas para sa oras kung hanggang kelan lang pwede mag-operate ang isang omise, subalit meron mga considerable instances na allowable kahit na lumagpas sa oras na ito.

BACK TO CATEGORY INFO LIST