Magkano ang bayad sa application ng Certificate Of Eligibility (COE)?
Jun. 18, 2017 (Sun), 1,397 views
Ang COE application para sa inyong Japanese Spouse Visa ay pwede ninyong makuha for FREE, meaning wala kayong dapat na bayaran or ang inyong proxy sa pag-apply nito. Deny man or approved ang inyong application, walang kinakailangang bayaran dito.
Hindi lamang para sa COE application ng Japanese Spouse Visa, kundi sa anomang COE ng ibang type ng visa. Ang rules ng immigration dito ay NO CHARGE at all. So kung merong taong napakiusapan kayo sa COE application ninyo at sinabi sa inyo na meron bayad ito or sinisingil kayo, huwag kayong maniwala dahil walang bayad para sa COE application.