Isang babae, huli sa pagpapadala ng mga high school girl bilang companion


Oct. 04, 2017 (Wed), 1,473 views

Hokkaido Sapporo City. Isang babae, age 42 years old na board of director ng isang outsourcing company ang hinuli ng mga pulis sa charge na pagpapatrabaho sa mga minor age bilang mga companion.

Simula January to August this year, ang mga batang babae na Junior high school girl pa lamang ay kanyang pinadala sa mga hotel sa ibat-ibang lugar sa Sapporo City upang maging companion sa mga party na ginagawa. Tinuruan pa nya itong mag-trabaho at pinagbihis ng mga party dress.

Inaamin naman ng babae ang charge laban sa kanya subalit ang pagkaka-alam nya sa mga ito ay mga Senior High School student na.

BACK TO CATEGORY INFO LIST