Pwede bang mag-work ang high school student sa Omise?


Aug. 30, 2017 (Wed), 1,490 views

Dahil sa kahirapan, meron iilang mga batang kababaihan dito sa Japan na nagta-trabaho sa mga Omise upang kumita ng pera at madalas o madami rin sa mga owner at operators ang nahuhuli dahil sa pagbibigay ng work sa kanila.

Nakasaad sa bata ng Japan Law Regulating Adult Entertainment Businesses na ang pwedeng mag-work na age limit ay 18 YEARS OLD ABOVE. Subalit meron exception sa batas na ito, at ito ay ang mga HIGH SCHOOL STUDENT.

Meaning kahit na 18 years old or above ka pa subalit ikaw ay nag-aaral at nasa HIGH SCHOOL pa lamang, hindi ka pwedeng mag-work sa mga omise dahil violation ito at pwede kayong hulihin kasama na ang employer ninyo na tumanggap sa inyo.

So kung magta-trabaho kayo sa mga omise, make sure na above 18 YEARS OLD kayo at hindi na high school student upang wala kayong alalahanin sa maaaring maging violation sa age ninyo.

BACK TO CATEGORY INFO LIST