Iniinom na alak ng babae, nilagyan ng pampatulog at minolestiya
Dec. 27, 2017 (Wed), 4,939 views
Chiba Prefecture. Ayon sa news na ito, isang lalaki, age 53 years old, walang work ang hinuli ng mga pulis sa molestation charge matapos nitong dalhin sa hotel room ang babaeng biktima.
Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang lalaking ito ay nilagyan ng pampatulog ang inumin ng isang babaeng nasa twenties na nakilala nya sa isang Deai Cafe sa Chiba Hotel. Nang medyo nakatulog na ang babae, dinala nya ito sa room nya at saka minolestiya.
Hindi inaamin ng lalaki na pinainom nya ito ng pampatulog subalit nakita sa dala nitong tablet device ang ilang video na kinuha nya habang minomolestiya nya ang babae ayon sa news.