Step by step procedure ng Kasal dito sa Japan


Jun. 20, 2017 (Tue), 9,508 views

Kung buo na ang inyong pasya na mag-pakasal sa inyong Japanese partner, meron two ways kung saan nyo pwedeng gawin ang inyong kasal. Ito ay sa Pinas or dito sa Japan. Kung dito nyo planong magpakasal sa Japan, ito ang step by step na dapat ninyong gawin na maaari nyong maging guide.

Bago kayo magpakasal, be aware na ang pagpapakasal ninyo sa isang Japanese ay hindi nangangahulugan na makakakuha kayo ng visa. Ang usapin na visa ay iba sa usaping kasal. So don't forget it bago kayo magpakasal dahil once na naipasa na ninyo ang papers ninyo, there is no turning back.


STEP 1 INVITATION TO COME HERE IN JAPAN
Kung nais ng inyong Japanese partner na dito kayo magpakasal, you need to go here at possible nyo lang na magawa ito sa pamamagitan ng pagpunta nyo here in Japan. Pwede kayong makapunta dito by applying for TOURIST VISA at pwedeng ang inyong Japanese partner ang inyong maging guarantor. Be aware na wala pong FIANCEE VISA dito sa Japan, so TOURIST VISA or VISIT A FRIEND VISA lang po ang pwede ninyong apply. Sa pagpunta dito sa Japan, mas makakabuti kung hindi nyo gagawin na reason ang pagpapakasal dahil maaaring ma-deny ang inyong visa application.


STEP 2 APPLICATION FOR LCCM (LEGAL CAPACITY TO CONTRACT MARRIAGE)
Kung nakarating na kayo here in Japan, next step na dapat nyong gawin ay makapag-apply ng LCCM at ito ay makukuha ninyo sa Philippine Embassy Office sa Tokyo or Osaka. Ito ang syang magiging permit ninyo para kayo ay legally na makapag-pakasal sa isang foreigner outside Philippines. Para di masayang ang inyong oras, make sure na sa pagpunta nyo dito sa Japan ay dala na ninyo ang need na document sa pag-apply ng LCCM.


STEP 3 SUBMITTING A MARRIAGE APPLICATION IN CITY HALL
Kung meron na kayong LCCM na document at walang problem sa side ng inyong Japanese partner, pwede na ninyong gawin ang wedding ceremony. Or kung wala naman pong mga ceremony pa at gusto nyo na lamang magsama ng legal, you can submit the MARRIAGE APPLICATION sa city hall para kayo ay legal na maging isang matatawag na mag-asawa. Just get the application MARRIAGE APPLICATION FORM sa city hall, sulatan ito at ipasa. Hintayin ninyo na mailabas at maibigay sa inyo ang ACCEPTANCE CERTIFICATE na nagpapatunay na accepted na ng city hall ang inyong marriage.


STEP 4 SUBMITTING A REPORT OF MARRIAGE SA PHILIPPINE EMBASSY
Bilang isang Pinoy, you need to submit a REPORT OF MARRIAGE sa Philippine Embassy dito sa Japan upang maipasok mo ang inyong record na kayo ay kasal na sa NSO/PSA sa Pinas. Once na ito ay nagawa mo na, saka lamang automatic na magkakaroon kayo ng record sa Pinas na kayo ay kasal na at hindi na single.


STEP 5 JAPANESE SPOUSE VISA APPLICATION
At this moment, lahat ng mga kailangang dapat gawin ay dapat tapos na at meron na rin kayong mga documents na sapat para sa inyong application ng Japanese Spouse Visa. Dala ang mga kailangang documents, pumunta kayo sa Immigration Office para makapag-apply kayo ng JSV.

Above is the summary of the steps you need to do kung kayo ay meron plan na magpakasal sa isang Japanese dito sa Japan. Like what is said above, ang pagpapakasal dito sa Japan ay hindi nangangahulugan na mabibigyan kayo ng visa at makapag-stay na here for good dahil mahigpit na now ang Immigration sa mga ganitong case. Be sure also to have enough time or visa length of stay kung plano ninyong magpakasal dito sa Japan.

BACK TO CATEGORY INFO LIST