Monthly salary working in FUUZOKU, umaabot ng 80 lapad or more
Sep. 18, 2017 (Mon), 2,072 views
Ayon sa survey na isinagawa ng GrowAsPeople (GAP) tungkol sa mga nagtatrabaho sa mga club and offering sex services here in Japan, umaabot ang average salary ng mga ito sa 80 lapad or more kapag sila ay bata-bata pa na ang age ay 18 to 22 years old. Then as they grow older, ang salary nila pag-umabot na sila ng mga forties ay wala ng 20 lapad per month.
Para naman sa mga primary reason kung bakit sila nagtatrabaho sa mga ganitong services, ang number one reason ay upang meron pangtawid buhay. Sa tanong naman kung ano ang masasabi nila sa kanilang work, ang kadalasang sagot ng mga ito ay ayaw nilang meron makaka-alam nito lalo na mga family at kaibigan nila.
Marami sa kanila ang nagtrabaho ng bata pa at ninais lang nilang makaipon at plano nilang umalis din kapag meron ng sapat na pera subalit after ng ilang taon, marami sa kanila ang hindi makahinto sa kanilang trabaho kahit na ayaw na nila. Gusto nilang tumigil dahil sa pagod na sila physically and mentally subalit dahil sa meron na rin silang edad, nahihirapan na silang mamuhay pa at makapag-umpisang muli ayon sa article na ito.