Saan pwedeng mag-apply ng Certificate Of Eligibility (COE)?
Jun. 18, 2017 (Sun), 1,371 views
Ang COE para sa inyong Japanese Spouse Visa application ay hindi ninyo makukuha sa Japanese Embassy sa Pinas. Ito ay maaari nyo lamang apply sa Japan side. So kung kayo ay nasa Pinas, ang maaaring makakuha or apply nito para sa inyo ay ang inyong Japanese partner mismo.
Ang COE ay pwede ninyong apply sa pinakamalapit na branch ng Immigration Office kung saan nakatira ang inyong asawang Japanese. So, pumunta lamang sya sa Immigration na dala ang kinakilangang mga documents para maipasa nya agad ang mga requirements at COE application.
BACK TO CATEGORY INFO LIST