Japanese Spouse Visa to Permanent Visa Application Requirements
Jun. 21, 2017 (Wed), 4,721 views
Ang JSV holder ang syang pinakamadaling makapag-apply ng Permanent Visa dito sa Japan. So kung plano na ninyong mag-apply ng Permanent Visa, ito ang mga kailangang documents na dapat nyong ihanda. Upang makasiguro na eligible na kayong mag-apply ng PR, better na pumunta kayo sa immigration office para mag-consult. Kung OK na, they will give you also the list of documents na dapat nyong prepare.
Ang processing ng PR application ay matagal at inaabot ng more than 4 months kung kayat advisable na gawin ito kung meron pang more than a year na natitira sa visa ninyo. Kung aprobado ang result ng application, magpapadala ng notice ang immigration sa address ninyo. Need na magbayad ng 8,000 YEN bilang charge sa application kung ito ay aprobado. Below ay ang mga kailangang documents sa pag-apply ng PERMANENT VISA kung kayo ay JSV holder.
(1) APPLICATION FORUM, 1 COPY
Pwede ninyong makuha ang document na ito sa Immigration Office or you can download it beforehand para inyong masulatan agad bago pumunta ng Immigration Office. CLICK HERE TO DOWNLOAD
(2) APPLICATION PICTURE, 1 PIECE
Ang picture size ay 4CM (VERTICAL) x 3CM (HORIZONTAL) na ididikit mismo sa application form. Lagyan ng name sa likod bago ninyo ito idikit. Dapat latest (Within 3 MONTHS) ang picture, colored , walang sombrero na suot at walang anomang background.
(3) KOSEKI-TOHON (FAMILY REGISTER), 1 COPY
Kailangang nakasulat na dito ang facts and info ng kasal ninyo. Dapat na latest ang document at na-issue within 3 MONTHS.
(4) JUUMINHYOU (RESIDENCE CERTIFICATE), 1 COPY
Ang Residence Certificate ng inyong Japanese partner ay makukuha sa city hall kung saan sya naka-register. Kinakailangang nakasulat dito ang lahat ng member ng family na kasama nyang naninirahan sa bahay.
(5) DOCUMENT SHOWING EMPLOYMENT OF APPLICANT
(A) ZAISYOKUSYOUMEISYO (EMPLOYMENT CERTIFICATE), 1 COPY
Kung kayo nagtatrabaho sa isang company.
(B) EIGYOU KYOKASYO (BUSINESS PERMIT), 1 COPY & KAKUTEI SHINKOKUSYO HIKAE (COPY OF INCOME TAX RETURN), 1 COPY
Kung kayo naman ay self-employed at meron sariling business, ito ang kailangang documents na dapat ipasa.
(C) OTHER DOCUMENTS SHOWING EMPLOYMENT
Kung walang document na maipakita above, at kung sakaling walang trabaho, gumawa ng sulat na nagpapatunay dito.
(6) DOCUMENTS SHOWING FINANCIAL CAPABILITY OF APPLICANT
JUUMINZEI (RESIDENCE TAX CERTIFICATE), 1 COPY & NOUZEI SYOUMEISYO (INCOME TAX CERTIFICATE), 1 COPY
Ang document na ito ay makukuha sa city hall kung saan nakatira at register kayo. Dito makikita ang financial stability ninyo. Ang dapat kunin na document ay ang previous year record. Kung walang ma-provide na document, mag-inquire sa Immigration for other supporting or replacement document. Maaari din ninyong maipakita ang bank account ninyo bilang patunay.
(7) PASSPORT
Kailangan nyo lamang na ipakita ang inyong passport na valid pa.
(8) RESIDENCE CARD
Kailangan nyo lang ding ipakita ang inyong Residence Card
(9) HOSYOUNIN NO SYORUI (DOCUMENTS OF YOUR GUARANTOR)
Basically, ang tatayong guarantor ninyo ay ang inyong Japanese na asawa. Ang need na documents na dapat nyang prepare ay ang mga sumusunod.
(A) MIMOTO HOSYOUSYO (GUARANTEE LETTER), 1 COPY
(B) HANKO (SEAL)
(C) SYOKUGYOU SYOUMEISYO (EMPLOYMENT CERTIFICATE), 1 COPY
(D) SYOTOKU SYOUMEISYO (INCOME CERTIFICATE), 1 COPY
(E) JUUMINHYOU (RESIDENCE CERTIFICATE), 1 COPY
IMPORTANT REMINDERS:
(1) Basically, ang mga documents na manggagaling sa Pinas ay meron dapat translation version kung kayat ipa-translate nyo na agad.
(2) Ang mga documents na ipapasa ay dapat bago lahat and within 3 MONTHS ang pagka-issue nito sa inyo.
(3) Ang mga documents na ipapasa ay hindi na ibabalik ng Immigration. Kung need ninyo ang original document na ipapasa ninyo, sabihin nyo agad sa immigration personnel at the time na ito ay ipapasa ninyo.
(4) Ang application processing ay natatagalan sometimes kung kayat mag-apply na agad kayo kapag mga 3 MONTHS na lang ang natitira sa visa ninyo.
NEEDED DOCUMENTS FOR PERMANENT VISA APPLICATION OF JSV HOLDER (JAPANESE LANGUAGE)