Average annual salary ng mga nagtatrabahong babae sa omise
Sep. 21, 2017 (Thu), 3,389 views
Ayon sa mga nakasulat sa net mula sa mga website ng mga omise at mga expert na pinag-aaralan ang work nature ng mga tao sa night services, ang average annual salary ng mga babaeng nagtatrabaho dito sa Japan ay nasa range ng 450 to 550 lapad.
Ang pinakamababang salary nila per month ay nasa 10 lapad at ang pinakamalaki naman ay umaabot sa 300 lapad o higit pa sa mga talagang sikat at maraming customer na hawak.
Sa mga number one sa loob ng omise at maraming customer na hawak, sometimes ang annual salary ng mga ito ay umaabot sa 1,000 lapad o higit pa.
Dito makikita na ang laki ng sasahurin ng isang babae ay depende rin talaga sa effort, hard work and technique nya kung paano sya makakakuha ng customer at kung paano nya ito maaalagaan upang balik-balikan sya. Kung wala talagang customer, talagang maliit lang ang sweldo at below sa minimum pa, pero kung talagang magaling ang isang babae, maaaring biglang yaman din sya.