Magkano ang magagastos sa pag-process ng ROFD sa Pinas?


Aug. 25, 2017 (Fri), 2,534 views

One of the risk ng pagpapakasal ng Pinoy sa isang Japanese o sinomang foreigner ay ang magagastos nito sa pag-process ng ROFD. So kung plano ninyong magpakasal, think about this risk also dahil maraming mga tumatakbong Japanese partner din kahit kasal na sila kapag nakuha na nila ang gusto nila.

Ang amount na inyong magagastos dito ay hindi biro dahil malaking halaga ito lalo na para sa isang taong walang stable income. Ayon sa mga lawyers office na nagpa-process ng ROFD sa Pinas, ang total amount na maaari ninyong magastos sa pag-process ng ROFD ay ranging from 150K to 300K PESOS.

Ang amount na ito ay nagbabago depende sa service fee ng lawyer na nakuha ninyo, sa mga documents na needed sa pag-process ng inyong ROFD, numbers of court hearings na isasagawa and other factors.

Sa pagkuha nyo ng lawyer, the best thing to do is to inquire about the total fees na maaaring abutin, the number of court hearings at mga documents na kakailanganin upang ma-estimate nyo na rin kung magkano ang total na aabutin na babayaran ninyo.

BACK TO CATEGORY INFO LIST