Police, huli sa panghihipo sa loob ng train
Dec. 18, 2017 (Mon), 1,306 views
Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang isa nilang kabaro sa charge ng panghihipo sa isang babae sa loob ng train. Ang pulis na lalaki, age 35 years old ay na dismiss sa trabaho ng anim na buwan subalit ito ay nagpasa na rin ng resignation.
Ang pulis na ito ay nahuli sa panghihipo sa isang babae sa loob ng train na tumatakbo sa Saikyo Line. Sinuntok din nya ang isang train staff ng sya ay nahuli at isinuko sa kanila.
Ayon sa result ng investigation ng mga pulis, umaamin ang pulis at sinasabi nitong mahigit 30 cases ng panghihipo ang kanyang nagawa. Nakita rin sa smartphone nito ang mga video ng iba pang babae na nakunan nya ng malaswang video ayon sa news.