Pulis, huli sa pagnakaw ng mizugi ng isang teenager
Dec. 10, 2017 (Sun), 1,432 views
Shizuoka City. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang isa nilang kabaro noong December 6 sa charge na pagnanakaw ng swimsuit ng isang teenager.
Lumabas sa investigation na ang pulis na ito, male, age 29 years old ay pumasok sa isang Junior High School at ninakaw ang isang bag noong July 12 na naglalaman ng mga swim suit. Inaamin naman ng lalaki ang charge laban sa kanya.
Nalaman ng mga pulis ang ginawa nyang ito matapos na siyasatin nila ang bahay nito sa isa pang charge nya na Child Pornography.