4 na lalaking makulit na yobikomi, huli ng mga pulis


Nov. 14, 2017 (Tue), 1,591 views

Tokyo Roppongi. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang apat na lalaking parehong mga Nigerian sa charge na pagiging makulit sa paghatak ng mga customer.

Ang hinuli ng mga pulis ay owner ng isang club sa Roppongi na VIBRATION at mga staff nito. Nangungulit sila ng mga babaeng dumadaan at pilit nilang hinahatak upang pumasok sa club nila.

Ayon sa mga pulis, tinatarget nila ang mga batang babaeng customer upang mapirahan.

BACK TO CATEGORY INFO LIST