Ano ang susunod na gagawin kapag approved na ang COE application?


Jun. 18, 2017 (Sun), 1,469 views

After a long wait sa pagdating ng result ng inyong COE application at pinalad kayong bigyan ng approval ng Immigration, ang susunod ninyong dapat gawin ay mag-apply ng Visa.

Kung dumating na ang result sa address ng inyong asawa sa Japan at nakuha na nya ang COE from Immigration Office, ang next na dapat nyang gawin ay ipadala nya ito sa inyo sa Pinas. Bago nya ipadala ito, make sure na meron syang copy nito or pa-xerox nya para meron syang copy in case na mawala man ang original na pinadala sa address ninyo sa Pinas.

Kapag dumating na sa inyo ang COE, its time now for you para mag-apply ng Japanese Spouse Visa sa Japanese Embassy sa Pinas. Kasama ang ibang requirements, pumunta lamang kayo sa mga accredited agency para sa application ng inyong JSV.

BACK TO CATEGORY INFO LIST