Saang prefecture sa Japan ang meron mataas ang pa-sweldo sa omise?


Sep. 22, 2017 (Fri), 4,994 views

Ang mga kinikita ng mga nagtatrabaho sa omise ay hindi pare-pareho at ito ay depende rin sa economic status ng bawat lugar. May mga omise na maraming customer at meron namang kukunti lang at wala talaga kung kayat nagsasara sila.

Meron ranking kung saang lugar maganda ang pasahod or malaki ang kita ng mga babae na nagtatrabaho sa mga omise, at ito ang tatalakayin natin dito. Maaaring maging basehan nyo ito kung meron kayong planong lumipat ng lugar kung gusto nyong lumaki ang kita ninyo sa omise.

Base sa data ng Japan Ministry of Labor, ang Tokyo ang number one na meron malaki ang pasahod dahil ang kinikita ng mga workers dito sa omise ay umaabot sa 443.5 lapad annually. Nasa number two spot naman ang Osaka na meron annual average salary na 380.2 lapad, at number three naman ang Aichi prefecture na nasa 348.5 lapad.

Sa meron namang pinakamababa ang kita ay ang Okinawa, Saga, Miyazaki, Akita at Aomori prefecture na pumapatak lamang sa 253.4 lapad ang average annually salary ng mga workers sa omise.

BACK TO CATEGORY INFO LIST