Isang Japanese na lalaki, huli sa pagpatay sa asawang babae


Sep. 18, 2017 (Mon), 1,458 views

Kumamoto City Higashi-Ku. Ayon sa news na ito, isang lalaki, age 48 years old, construction worker ang hinuli ng mga pulis matapos nitong magsalita na sya ang pumatay sa kanyang asawang babae, age 48 years old, arubaito.

Nangyari ang incident today September 18 ganap ng 9:30AM ng matagpuan ang asawang babae sa loob ng kanilang bahay. Patay na ito ng dumating ang mga pulis sa tinitirahan nyang bahay. Meron itong bakas ng sakal ng isang lubid sa leeg ayon sa mga pulis.

Pinaghahanap nila ang kinakasama nitong asawang lalaki, at natagpuan nila ang sasakyan nito at ng kanilang tinanong ito, nagsalita ito na meron syang kinalaman sa pagpatay sa kanyang asawa kung kayat hinuli na nila ayon sa news.

BACK TO CATEGORY INFO LIST