Kelan nagsimulang maghigpit ang pagbibigay ng Entertainer Visa?
Jun. 26, 2017 (Mon), 2,942 views
Sa pagpasok ng year 2000, dumami bigla ang mga talent or entertainer na pumasok sa Japan at hindi lamang galing ng Pinas, kundi maging mula sa Asian country like Thailand, Korea and China at maging mula sa Russia, Romania at iba pang European country.
Dahil sa pagdami nito, dumami rin ang mga naging illegal activity na ginawa ng mga entertainer tulad ng pagtrabaho ng illegal at mga overstayer. Dahil dito, nagsimulang maghigpit ang Immigration Office at starting JUNE 1, 2006, binago nila ang standard ordinance sa pagbibigay ng entertainer visa at naging mahigpit ang pagbibigay nila dito.
Sa ngayon, meron pa ring mga nakakapasok na mga entertainer or talent na nagtatrabaho sa mga club or omise subalit sobrang naging strict ang screening ng Immigration sa mga company or agency na nag-apply at nagpapadala ng mga babae dito sa Japan. Meron ding nagsasabi na mas maluwag lamang sila sa mga agency or company na nagpapadala ng babae sa mga province at wala silang ina-allowed sa mga major cities or metropolitan area dito sa Japan.