Mga requirements sa pag-submit ng Marriage Application sa Japan?
Jun. 23, 2017 (Fri), 3,086 views
After na makakuha kayo ng LCCM sa Philippine Embassy, your almost finish sa pag-process ng inyong kasal dito sa Japan. The next step you should do ay magpasa na lang ng Marriage Application sa city hall kung saan nakatira ang inyong Japanese partner.
Sa pagpasa nito, meron mga documents na dapat ninyong ihanda dahil ito ay need nyo rin na ipasa kasabay ng application form. Meron sa side ng Pinoy at meron din sa side ng Japanese partner ninyo. Ito ay ang mga sumusunod.
JAPANESE PARTNER
Mula sa inyong Japanese partner, kailangan nyang ihanda ang kanyang Japanese passport, Koseki-Tohon (Family Register), pictures ilang identification card. Kung meron syang history of divorce before, maaaring kailanganin din ang Joseki-Tohon nya.
PINOY PARTNER
Para sa side naman ng Pinoy, ang mga documents naman na dapat nyang ihanda ay ang mga sumusunod. Better na ito ay maihanda nyo na bago kayo pumunta ng Japan upang hindi kayo magahol sa oras.
- Philippine Passport
- Residence Card (Kung meron hawak)
- LCCM (With translated version)
- Birth Certificate (With translated version)
Kasama ang mga required documents above, ipasa ninyo ang Marriage Application form sa city hall at hintayin na lumabas ang JUURI SYOUMEISYO (Acceptance Certificate) na ibibigay ng city hall. After one (1) week, confirm ninyo kung pumasok na ang name ninyo sa Koseki-Tohon ng inyong Japanese partner. Kumuha kayo ng copy nito na syang need sa JAPANESE SPOUSE VISA application ninyo.