Mga batas na namamahala sa mga Omise business dito sa Japan
Sep. 01, 2017 (Fri), 1,364 views
Bilang basic information at orientation lamang tungkol sa mga batas na namamahala sa pag-ooperate ng omise, mahalagang malaman din ninyo ang mga bagay tungkol dito. Ang mga omise or kyabakura dito sa Japan ay isa ring legal business tulad ng ibang company business na naaayon sa batas. Ang business operation sa omise ay naaayon din sa itinakdang batas na dapat nilang sundin at hindi lalabagin dahil meron ding kaukulang mga penalty dito.
Ang mga rules sa omise ay naayon sa Japan Standard Labor Code na syang sinusunod ng mga owners and operators nito. Hindi kayo basta-basta pwede mag-start ng omise ng walang kaukulang permit dahil ito ay illegal at marami nang nahuhuli dito.
Kung gusto ninyong mag-start ng omise, kinakailangan ninyong kumuha ng permit mula sa Japan Ministry of Labor (KOSEI ROUDOUSYO) at kapag nabigyan kayo ng permit, this is the only time na pwede na kayong mag-start.
Ang agency namang namamahala sa pagmo-monitor ng mga omise business operation ay ang 労働基準監督署 (ROUDOU KIJUN KANTOKUSYO) Labor Standards Inspection Office na syang pwede ninyong malapitan sa oras na merong trouble sa trabaho ninyo sa omise.