Pwede bang mag-work sa omise ang isang refugee applicant?


Oct. 21, 2017 (Sat), 3,064 views

Kapag nag-apply kayo bilang isang refugee here in Japan at successfully na nakakuha ng WORKING PERMIT matapos na makapasa sa ilang condition and requirements ng Immigration, you are eligible na makapag work ng legal dito sa Japan na walang alalahanin.

Ang advantage sa mga nakakuha ng WORKING PERMIT na mga refugee ay walang limit ang kanilang working time na hindi tulad ng mga student visa holder na 28 HOURS per week lamang. Sa mga REFUGEE, walang limit sa oras ng working time nila kung kayat maaaring makapag work sila as long na meron trabaho at need ng employer nila.

Now, and disadvantage lamang sa mga ito ay marami pa rin mga Japanese employer na ayaw sa mga refugee dahil sa kakulangan ng Japanese skill at limitado ang hawak na stay period dito sa Japan kung kayat marami ding mga refugee ang hindi makakita ng work.

Sa kadahilanang ito, marami sa mga babaeng refugee ang gustong mag-work sa mga omise or club dahil sa maaaring ito talaga ang purpose nila before pa upang kumita ng malaki. The problem is, ang WORKING PERMIT na binibigay sa mga refugee ay hindi sakop ang pag work sa mga club, bar or omise at ito ay pinagbabawal sa rules ng immigration.

Kapag nahuli kayo, makukulong kayo at mawawala na rin automatically or magiging invalid ang inyong refugee application at deportation agad ang maaaring maihatol sa inyo. So, be reminded na hwag na hwag kayong magtatrabaho sa mga omise or club kung kayo ay isang refugee applicant lamang here in Japan kahit na meron pa kayong WORKING PERMIT.

BACK TO CATEGORY INFO LIST