How to apply LCCM sa Philippine Embassy Office dito sa Japan?


Jun. 23, 2017 (Fri), 2,380 views

Ang LCCM or LEGAL CAPACITY TO CONTRACT MARRIAGE ay isang document na kailangan kunin ng isang Pinoy upang legal or valid kayong makapag-pakasal sa isang Japanese o sinomang foreigner dito sa Japan. Ito ang tumatayong permit ninyo para makasal in legal way. Remember na ang LCCM ay para sa mga Pinoy na ikakasal sa isang foreigner lamang. Kung kayo ay ikakasal sa isang Pinoy din, hindi LCCM ang kukunin ninyo. MARRIAGE LICENSE dapat ang kunin ninyo sa Philippine Embassy.

Ang document na ito ay makukuha ninyo sa Philippine Embassy Office sa Tokyo or Consulate Office sa Osaka. Para makuha ito, kailangan ang personal appearance ng both party na gustong magpakasal. Ang document na ito rin ang syang kailangan ninyong ipakita sa city hall kapag magpapasa ng kayo ng MARRIAGE APPLICATION.

Sa pag-apply nito, meron kailangang mga documents at ito ay depende sa status ng Pinoy na magpapakasal. Kung sya ay SINGLE, ANNULED, WIDOW or DIVORCE (With Recognition of Philippine Court), iba iba ang mga documents na dapat ihanda. Para sa detalye ng mga requirements na dapat ninyong ihanda, click ninyo ang link sa baba.

LCCM REQUIREMENTS DOCUMENTS

BACK TO CATEGORY INFO LIST