Documents you need to secure kapag nakipag-divorce sa Japan


Aug. 24, 2017 (Thu), 5,148 views

Kung kayo ay meron planong makipag-divorce, make sure na gawin ninyo ang nararapat na tama and most of all, makuha ninyo ang nararapat na mga documents bago kayo umuwi ng Pinas lalo na kung wala na kayong plan na bumalik here in Japan.

As of now, maraming mga kababayan natin ang hindi maayos-ayos ang kanilang documents sa Pinas dahil sa kanilang kapabayaan na makuha ang mga nararapat na documents na patunay na sila ay divorce na sa kanilang Japanese partner. Dahil dito, hindi rin nila maayos ang mga documents nila sa Pinas lalo na kung meron silang planong magpakasal muli.

Bago kayo umuwi, make sure na meron kayong hawak o dala na ninyo ang mga documents na patunay na kayo ay divorce na sa inyong asawang Japanese upang walang maging problem. Ang mga documents na ito ay sya nyo ring gagamitin sa RECOGNITION OF FOREIGN DIVORCE processing sa Pinas. Ito ay ang mga sumusunod.


1. KOSEKI-TOHON (Family Register)
戸籍謄本 (Koseki-Tohon) ng inyong asawang Japanese kung saan nakasulat na rin dito ang details ng inyong divorce sa kanya. Need nyong kunin ito sa city hall kung saan kayo nagpasa ng inyong RIKON TODOKE (Divorce Application).


2. RIKON TODOKE (Divorce Application)
離婚届記載事項証明書 (RIKON TODOKE KESAI JIKOU SYOUMEISYO) Divorce Application. This is the actual form ng divorce na inyong ipapasa sa city hall kung saan kayo magdi-divorce. Make sure na makuha rin ninyo ang copy na ito sa city hall after nilang ma-approved ito.


3. JURI SYOUMEISYO (Acceptance Certificate)
受理証明書 (JURI SYOUMEISYO) Acceptance Certificate. This is the document na nagpapatunay na ang inyong divorce application ay accepted na ng mayor ng city or town kung saan kayo nagpasa. Make sure to have it also.


4. NIHON MINPOU NO GAITOU JOUBUN BUNSYO (Japan Civil Law About Divorce)
日本民法の該当条文文書 (NIHON MINPOU NO GAITOU JOUBUN BUNSYO), a copy of the law about divorce of Japan ay kailangan din ninyong makuha dahil need ito sa pag-process ng inyong divorce sa Pinas.


Ang mga documents sa taas ay napaka-important at dapat na meron kayong hawak nito. Make sure na nasa inyo ang original at wag ninyo itong ipasa o ibigay kanino man dahil sa ito ay mahirap makuha muli dito sa Japan kung kayo ay nasa Pinas na. As possible, ibigay lamang ninyo ang copy ng mga ito.

BACK TO CATEGORY INFO LIST