Pwede bang mag-work sa omise ang tumatanggap ng Seikatsu-Hogo (SH)?


Sep. 06, 2017 (Wed), 3,752 views

Kung kayo ay tumatanggap ng SH dito sa Japan dahil sa kahirapan at wala kayong means para mabuhay, you will be monitor ng inyong social worker habang kayo ay tumatanggap ng SH benefit.

Kung gusto nyong mag-work sa omise kahit na tumatanggap kayo ng SH, di kayo pipigilan o pagbabawalan ng inyong social worker. Maaaring magalak pa sila dahil willing kayong mag-work at tumayo sa sarili nyong mga paa para mabuhay dito sa Japan.

Ang tangi nyo lamang pong dapat gawin at pagkakatandaan ay ang pag-report ng inyong kinita kung magkano sa inyong social worker upang hindi kayo makasuhan at di kayo magkaroon ng penalty once na malaman nilang kumikita na pala kayo ng more than enough then tumatanggap pa ng SH at the same time, that is against the law at meron penalty ito sa mga taong gumagawa.

Kung tumanggap kayo ng salary mula sa work sa omise, at ito ay mas maliit pa sa SH benefit na inyong tinatanggap, ibabawas lamang nila ito at ang kakulangan na lamang ang dapat ninyong matanggap. So kung ang SH benefit na natatanggap ninyo ay 10 lapad, at meron kayong salary sa omise na 5 lapad, bale 5 lapad na lamang ang matatanggap ninyo sa SH benefit.

Once naman na malaki na ang inyong salary sa omise, at mas malaki pa sa natatanggap ninyong SH benefit, then need nyo nang ipahinto ang pagtanggap ng benefit dahil meron na kayong sapat na kita.

Tandaan na maging tapat lagi. Kung meron kayong sapat na kita na, ipahinto nyo na ang pagtanggap ng SH benefit upang makapag-apply kayo muli once na mangailangan ulit kayo ng support ng government.

BACK TO CATEGORY INFO LIST